218 - Ang Mahihinang Damdamin

Ang mahihinang damdamin
Panginoo'y pakamtin
Ng awang walang kahambing
At kailangan namin;
Itutulot Mong mangagpuri
Ang mga labing pipi
Kaylanma'y di mangyayari
Bigkasin sa sarili.

Tulong Mo'ng inaasahan
Na ipagtatagumpay
Makakamtan naming tunay
Ang walang hanggang buhay;
Si Jesus ang humahanap
Sa nangatitiwalag
Upang ang tao'y maligtas
Dugo ang ibinayad.

Sa walang kupas Mong awa
At habag na sagana
Ay papagtamuhing kusa
Ang dahop sa biyaya;
Batid Mong kami'y lagalag
At naligaw sa landas
Ikaw na lubhang malingap
Sa amin ay mahabag.

0:00 0:00